Monday, August 24, 2009

MUSIKA, INSTRUMENTO NG KOMUNIKASYON

Ano ang musika? ang musika'y sining ng tunog, ngunit hindi lahat ng tunog ay musika. may mga tunog na ingay,sinasabing ang musika'y nagbibigay tulong sa patuloy na pag-inog ng daigdig, nagbibigay-buhay at ningning sa kapaligiran at maari ring magpadilim sa mundong ginagalawan.

instrumento ng komunikasyon ang musika sapagkat sa pamamagitan nito ay naipapahatid ang iba't ibang damdamin ng tao katulad ng pag-ibig,kaligayahan kapighatian, pagkapoot, pagkasuklam, pagkaligalig,pagkahabag at paghihinayang. ang awit na sinasaliwan ng ibat ibang tunog ay nakakaaliw pakinggat at tumatagos sa puso ng mensahing nais ipahatid sa mga nakikinig.
sa pamamagitan ng musika, nakikita ng tao ang ibat ibang mukha ng buhay: may puspos ng kaligayahan, may lungkot, may tagumpay at kabiguan.


---dantot.

0 comments: